Friday, March 23, 2007

Ako, Si Ely at ang Eraserheads (A reprint)


Here's a reprint of my friendster blog entry on Ely Buendia. I wrote this last January 18, 2007. Now that tikman ang langit:an anthology on the eraserheads is out, I thought I'd publish my own take on the eraserheads.

"Dead na si Ely Buendia!" Sabi sa text ng asawa ko noong Lunes nang mapabalita sa Inquirer na isinugod ito sa ospital dahil sa atake sa puso. Kumabog ang dibdib ko nang mabasa ang text nya. As if. Aakalain mo tuloy na malapit ko syang kamag-anak. Big deal talaga. Naisip ko nga kaagad na baka sa Parish of the Holy Sacrifice, sa Kalayaan Residence Hall or anywhere in UP sya ibuburol. Naisip ko rin na pag nagkataon, luluwas ako at magbibigay pugay sa kanyang burol. Grabe no? Pag-uwi ko sa bahay ng gabing iyon, napanood ko sa news habang naghahapunan ako na, na-operahan na pala sya at din naman pala natuluyan. "Ano ba yun?! Anti-climactic!" Nag-iimagine na ba naman ako ng mga tribute concerts sa Bistro 70s, posthumous concert sa Sunken Garden sa UP Fair sa February, etc., etc. Tapos... buhay pa pala! Pagkakataon ko na sanang lumuwas at manood ng concert.

Anyways, bakit ba ganun na lang ang attachment ko kay Ely Buendia? Nope, sorry to disappoint you. Pero di naman kami naging kami. Ni hindi nga nyan alam na may nag-eexist na ako e. As if naman (uli) na kung malaman man nyang nag-eexist ako e magiging kami. Pero gaya ng karaniwang tao na kahit gaano kalayo ang konek sa isang sikat na tao, me yabang din talaga kung maikokonek mo ang sarili mo duon sa sikat na taong iyon. Halimbawa, may teacher ako noon sa Department of Psychology na istudyante ng isang mas matandang professor na kaibigan ni B.F. Skinner. Syempre, proud na sya sa status nyang "student of a friend of B.F. Skinner". Kaya kami naman, nag-claim na lang din na mga "student of the student of a friend of B.F.Skinner". (Si Skinner po ang nagpasikat ng theory tungkol sa papel ng reinforcements sa behavior ng tao).Ganyan ang Eraserheads sa akin. Palibhasa, ka-contemporary ko sila sa U.P. kaya feeling close ako sa kanila. Kumbaga sa kamay, sila ang thumb at ako ang pinky.

Ang kantang "Pare Ko" ang nagpakilala sa akin sa grupong Eraserheads. Deadma noon sa kung sino ba ang bandang ito. Kasi di pa naman sila sikat noon. Pero nagustuhan ko ang kanta dahil bukod sa nakaka-relate ako sa sinasabi nito, bilib din ako kung paano nila napagsama and "Dyosko" at "Tang-ina" sa isang hininga. Freedom of expression, freedom of speech, freedom talaga! Lalo na katulad ko na lumaki at nagtapos sa isang Catholic school at sa buong buhay ko (that is, until I entered UP) ay di sumasambit ng "Dyosko' (dahil "Thou shalt not use God's name in vain") much more, ng "Tang-ina". Liberating talaga ang "Pare Ko".

1993, I was wrapping up my stay in U.P. nang lumabas ang Ultraelectromagneticpop. Syempre, bili naman ako kahit walang pera/budget pambili. In-off set ko na lang yata ng budget ko for meals. Kita nyo naman, di na kumain, mapakinggan lang ang kanilang mga kanta! Feel ko lang kasi at naniniwala ako na sisikat sila balang araw at ipagmamalaki ko na isa ako sa unang nag-patronize sa kanila. Casette tape lang ang binili ko pero that was my third self-purchased tape (the first ones were Joey Ayala's and Buklod's) and my very first tape na binili sa Odyssey. Kaya masasabi ko na isa ito sa mga cherished possesions ko. Later on ay binili ko pa rin ang mga album nila, Circus, Fruitcake (pati yung book), Cutterpillow at Sticker Happy. Di ko alam kung may lumabas pa after kasi tumigil na ako after Sticker Happy. Nalungkot na kasi ako sa kantang "Para Sa Masa". Parang namamaalam na sila. Parang yung kanta ni Nora Aunor at Florante, yung "Handog".

Pero nang lumabas ang Anthology, ni-request ko uli ito bilang birthday gift sa akin ng aking jowa. Nasa akin pa yung Ultraelectomagneticpop, itinatabi ko para pag tanda ng anak ko, may proof ako na Eraserheads ang may kanta sa kanta nila. Sigurado namang mare-revive uli ang mga songs na ito ng generation naman ng mga anak ko. Yung Sticker Happy ay going away gift ko kay Estong, isang Australian volunteer sa dati kong NGO sa Batangas. Enjoy na enjoy din yun sa musika ng Eraserheads. Yung Cutterpillow, dalawa yun, tsaka yung Circus. Ewan kung asan na. Napitik na siguro. Tingan mo nga naman, kung hindi fan ang tawag sa akin, e ano pa nga kaya? Ewan ko na lang.

At one point, na-outgrow ko rin sila. Kaya nga di na ko bumili ng album at di ko na rin sila sinubaybayan. Nang mag-disband sila, in a way naintindihan ko. Hindi ako nanghinayang. Di ko na rin inasahang magrere-volt in sila. Ambaduy naman nun, 'no? Bahagi na sila ng kasaysayan ng musika at kulturang Pilipino. Yumaman na rin sila malamang tsaka nanalo na ng awards, ano pa ba naman ang gusto nila? Di ba? Pero nang mabalita nga ang nangyari kay Ely Buendia, tama yung isang writer ng PDI, di pa sila dapat mamatay. Kung yung The Lettermen nga, anjan pa e. San wala munang mamatay sa kanila. Kung buhay pa sila in another 10 or 20 years, promise, manonood ako ng reunion concert. Hahaha, ano kaya ang hitsura, at 54 years old, kakanta uli kami ng "Pare Ko".

Ten Reasons Why I Love the Eraserheads

1. They are from UP

2. Their songs speak my language ("Maboteng usapan", "Kalayaan").

3. Their songs can be full of meanings.

4. Their songs can mean nothing at all.

5. They don't laugh at their jokes during interviews.

6. They, actually, don't joke.

7. They're the Beatles of my generation.

8. Sulit. You buy their album and love everything in it, lyrics, music and cover.

9. Ligaya, Toyang, Para Sa Masa, Huling El Bimbo, Tuwing Umuulan at Kapiling Ka, etc. etc. etc.

10. Wala lang. Basta.

3 comments:

big_berto said...

love ko eraserheads dahil kay paraluman. :-)

nemiXX said...

love ko ang eheads dahil sa ligaya.

Mamie Ami said...

The reunion happened before I turned 50. Ibang klase talaga mga Idol ko!